^

Police Metro

Zambales governor wawakasan ang korapsyon

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa kanyang inagurasyon bilang pinakamataas na opisyal ng lalawigan, ipinahayag ni Zambales Governor Amor Deloso na kanyang lilinisin ang Kapitolyo sa lahat ng uri ng katiwalian upang mapabilis ang pagkakaloob ng ser­bisyo sa mamamayan.

Sinabi ni Deloso na siya ay nakatanggap ng mga ulat na may ilang clerk sa loob ng Kapitolyo ang naging milyonaryo, gayundin ang ulat na pati mga  tagapag-alaga ng baboy ng isang empleyado ay sinusuwelduhan ng Kapitolyo.

Sa tulong umano nina vice governor Angel Magsaysay at Cong. (Zambales, 1st Dist.) Cheryl Deloso-Montalla ay hahabulin nila ang mga taong sangkot sa katiwalian at pagwaldas sa pondo ng lalawigan, upang higit na mapalakas ang pagkakaloob ng serbisyo sa mamamayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with