Malawakang rally ikinasa ng KMU vs Labor Day
MANILA, Philippines – Sasalubungin ngayong araw ng malawakang kilos protesta na ilulunsad ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang Araw ng Paggawa o ang tinatawag na May Day protest.
“On this year’s Labor Day protest, workers will condemn neoliberal economic policies that have worsened the situation of Filipino workers. Workers will push for their demands for the junking of contractualization and the implementation of a National Minimum Wage in the amount of P750, amidst their worsening hunger and poverty,” pahayag ni Jerome Adonis, KMU secretary-general.
Ngayong taon anya sa araw ng paggawa, ang mga manggagawa ay naghanda ng isang giant mural na nagpapakita ng tatlong sakit ng komunidad at effigy ni outgoing President Noynoy Aquino na anila’y isang brutal butcher at puppet ng US imperialism.
Kaugnay nito, kinondena din ng KMU si Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa paghingi ng paumanhin sa isyu ng contractualization na sinasabing tatapusin na ng mga presidentiables.
Inaasahan ng KMU na magkakaroon ng may mahigit sa 50,000 attendance sa May day protest sa Metro Manila at mahigit sa 100,000 sa ibat ibang rehiyon sa buong bansa.
- Latest















