^

Police Metro

Prado bus company , sinuspinde ng 30 araw

Angie Delfino - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinatawan na kahapon ng 30 araw na pagkakasuspinde o hindi muna makakabiyahe ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB)  ang walong unit ng Prado bus company.

Ayon kay  LTFRB member Ariel Inton ay matapos na masangkot ang   isang unit ng kumpanya sa  madugong aksidente  sa Quezon City nitong nagdaang araw ng Biyernes na ikinamatay ng dalawang katao at ikinasugat ng marami pang katao.

Sinasabing aksidenteng nabangga ng isang unit ng naturang bus ang mga  bystander, isang kainan at isang UV express vehicle sa naturang lugar noong Biyernes.

Bunga nito, ipinatawag na ng LTFRB si  Ma Thelma Galang, may ari ng Prado bus upang magpaliwanag kung bakit hindi ito maaaring maparusahan kaugnay ng naganap na aksidente.

Ilang oras pa lang ang nakakalipas, mula sa aksidente sa QC, isa ding  malagim na aksidente ang nangyari sa Mataas na Kahoy, Batangas na kinasasangkutan ng isang unit ng bus ng Gurim Travel and Tours Corp. kung saan apat ditong pasahero ang namatay. Ayon kay Inton, sinuspinde na rin nila ang operasyon ng siyam na unit ng kumpanyang ito dahil sa aksidente.

Sinabi ni Inton na ­iniutos na ng ahensiya ang pagpapasailalim sa road worthiness ng lahat ng bus ng dalawang kumpanya at pagsasailalim sa drug test at road safety seminar ng kani kanilang mga driver.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with