Philrem kinasuhan ng tax evasion ng BIR
MANILA, Philippines - Dahil sa hindi umano pagbabayad ng buwis nang mag-transact ng pera mula sa $81 million nakaw mula sa Bangladesh Central Bank ay kinasuhan ng pamunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang remittance company na Philrem Service Corp. ng P35.6 million tax evasion case sa Department of Justice (DOJ).
Bukod sa kumpanya, kinasuhan din ang Philrem president na si Salud R. Bautista at treasurer Michael S. Bautista dahil sa hindi pagbabayad ng gross receipts tax (GRT) gayundin ang pagkabigo na mag-file ng percentage tax returns (PTRs) na isang paglabag sa Tax Code.
Sinasabi ng BIR na batay sa rehistro ng kumpanya sa ahensiya, ang line of business ng Philrem’s ay land transport operation lamang at nang amyendahan ang operasyon sa Securities and Exchange Commission bilang remittance company mula abroad para magdala ng pera sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas ay hindi nai-update sa BIR.
Nairehistro din umano ng Philrem ang kumpanya sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang isang remittance agent para sa taong 2005 hanggang sa ngayon.
- Latest















