Basurang itinambak sa PH, ibalik sa Canada
MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon ng mga grupo ng environmentalist sa papalaring susunod na Pangulo ng Pilipinas na ipabalik sa Canada ang itinapon nitong basura sa bansa .
Sa ginanap na General Assembly ng EcoWaste Coalition sa QC kahapon na dinaluhan ng may mahigit 100 participants mula 68 na grupo, hiniling ng mga ito sa susunod na Presidente ng bansa na unahing aksiyunan ang problemang ito ng gobyerno.
Sa tala may kabuuang 103 shipping containers na naglalaman ng bulto bultong household garbage na naideklarang scrap plastics ang ilegal na naipasok sa Pilipinas mula Canada sa pagitan ng taong 2013 hanggang 2014.
Dapat anilang huwag payagan ng susunod na Pangulo ng bansa na maging tapunan ng basura ang Pilipinas at magpatupad ng matinding batas upang huwag nang maulit ang ganitong insidente.
“Seeing little hope that this shameful dumping case will be resolved under the Aquino administration, we appeal to our nation’s next president to bring this long drawn-out trash row to its just conclusion by sending the illegal shipments back to Canada,” pahayag ni Aileen Lucero, Coordinator, EcoWaste Coalition.
Ang naganap anyang pagtatapon ng basura sa Pilipinas ay isang kahinaan ng kasalukuyang liderato dahil nagawang makapasok ang tambak ng basura sa ating bansa na hanggang sa ngayon ay wala pang napaparusahan hinggil dito.
- Latest















