Bongbong kinasuhan ng plunder dahil sa pork barrel
MANILA, Philippines – Dahil sa umanoy may kinalaman sa multi-billion-peso pork barrel scam kaya’t kinasuhan ng plunder ng grupong ibalik ang Bilyones ng Mamamayan (IBBM) si Senador Bongbong Marcos sa tanggapan ng Ombudsman.
Sa 18-pahinang reklamo, sinabi ni IMMB spokesperson Rafaela David, si Marcos at kanyang dating consultant na si Catherine Mae “Maya” Santos at umanoy pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles ay dapat na mabusisi dahilan sa paglabag sa Republic Act 7080 o ang Anti-Plunder Law.
Ang reklamo ay nag-ugat sa umanoy paglalaan ni Marcos ng kanyang PDAF o pork barrel sa umanoy pekeng NGO ni Napoles mula October 2011 hanggang January 2013.
Ang kasong plunder kay Marcos ay naisampa kahapon.
- Latest















