^

Police Metro

81-anyos lola brutal na pinatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 81-anyos na lola ang brutal na pinatay nang hatawin ng bato ang ulo at mukha nito sa isang abandonadong bahay  sa Brgy. Talospatang, Malasigui, Pangasinan, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Felisa Diola biyuda, residente sa nasabing barangay na duguan ang mukha at ulo nang madiskubre ang bangkay  ng anak nitong si Violeta Gutierrez.

Batay sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon nitong Biyernes nang madiskubre ang bangkay ng matanda sa loob ng inabandonang bahay na dating tinitirhan ng anak na lalaki ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang magpaalam ang biktima sa anak niyang si Violeta na mangunguha lamang ng  kahoy na panggatong sa may likuran ng bahay ng anak nitong lalaki sa kabilang ibayo.

Subalit, hindi pa bumabalik ang matanda kinahapunan kaya napilitan si Violeta na hanapin ang ina at dito na nadiskubre ang krimen.

Natagpuan sa crime scene ang isang tipak ng bato na puno ng dugo, isang punit na t-shirt na puti na may bahid ng dugo may 15 metro ang layo mula sa bangkay ng matanda.

vuukle comment

ANG

BATAY

BIYERNES

BRGY

FELISA DIOLA

ISANG

KINILALA

MALASIGUI

NATAGPUAN

VIOLETA

VIOLETA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with