^

Police Metro

Anak sumuko nang multuhin ng amang napatay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Minabuti ng isang 30-anyos na lalaki na sumuko sa pulisya matapos na surutin ng konsensiya at pagmumulto ng ama na kanyang napatay noong Disyembre 13, 2015 sa kanilang bahay sa Pandacan, Maynila.

Sa salaysay ni  Charvi Dela Ysla, ng. 1884 President Quirino Ave., Pandacan, Maynila na   napilitan siyang sumuko sa mga otoridad at piniling pagdusahan ang ginawang  krimen dahil na rin sa takot at konsensiya matapos na mapatay nito ang amang si Carlito, 55 ng nasabing araw.

Ayon kay Charvi, ayaw niyang magpaawat sa ama habang nag-aaway sila ng kanyang misis kaya’t sinuntok siya nito kaya’t binaling niya ang galit sa ama at ito ay kanyang sinaksak at napatay.

Anya, mula noon ay binagabag na siya ng kanyang konsensiya dahil hindi naman niya gustong mapatay ang ama, hanggang sa magparamdam ito sa kanya bago mag-Pasko.

Nabatid na matagal na umano niya binalak na sumuko pero pinigilan siya ng kanyang ina matapos nitong maunawaan ang nangyari noong araw na mapatay niya ang kanyang tatay.

Ininquest naman, kamakalawa ng hapon ang suspek pero “release for further investigation”,ang naging ruling ng Prosecutors Office.

vuukle comment

ANG

ANYA

AYON

CARLITO

CHARVI

CHARVI DELA YSLA

DISYEMBRE

MAYNILA

PANDACAN

PRESIDENT QUIRINO AVE

PROSECUTORS OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with