^

Police Metro

Rider iniwasan ang aso, dedo sa semplang

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 29-anyos na lalaki ang nasawi nang ito ay sumemplang sa minamanehong motorsiklo matapos iwasan ang tumatawid na aso sa kahabaan ng CM Delos Reyes Avenue, Brgy. Loma Amadeo, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Ariel Alfredo, 29, binata, construction worker, ng #11 P Zamora St., Brgy. 6, Poblacion ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, bago  nangyari ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon ay minamaneho ng biktima ang Mitsukoshi Bonus 110 motorcycle at binabagtas ang nasabing lugar nang biglang sumulpot ang isang aso na tatawid. Sa pagkabigla ay sinubukan ng biktima na ipreno ang kanyang motor, subalit dahil sa may kabilisan ang patakbo ay hindi nakayan ng kanyang preno kaya’t sumemplang at sumadsad sa kalsada.

Bagama’t hindi nabangga ang aso ay masama ang pagsemplang ng biktima kaya’t dinala ito sa pagamutan, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

vuukle comment

ANG

ARIEL ALFREDO

BAGAMA

BATAY

BRGY

CAVITE

DELOS REYES AVENUE

ISANG

LOMA AMADEO

MITSUKOSHI BONUS

P ZAMORA ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with