^

Police Metro

10-anyos wasak ang daliri sa piccolo

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines – Halos maputol ang daliri sa kanang kamay ng 10-anyos na totoy matapos itong masabugan ng ipinagbabawal na piccolo, isang araw bago sumapit ang pagsalubong sa Bagong Taon sa Barangay Comon sa bayan ng Infanta, Quezon.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Quezon PNP Director P/Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, kinilala ang biktima na si Jhon Oliver Quindoza ng nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi ay nakatuwaan ng biktima na sindihan ang ilang piraso ng piccolo na kanyang binili sa palengke noong umaga ng December 30, 2015.

Subalit bago pa man maihagis ng biktima ang piccolo ay bigla na lamang itong pumutok sa kanyang kamay na naging dahilan ng pagkasugat nito.

Mabilis na isinugod sa Claro M. Recto District Hospital ang biktimang laylay na ang duguang daliri.

vuukle comment

ANG

BAGONG TAON

BARANGAY COMON

CLARO M

DIRECTOR P

JHON OLIVER QUINDOZA

MABILIS

QUEZON

RECTO DISTRICT HOSPITAL

RONALDO GENARO YLAGAN

SENIOR SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with