^

Police Metro

Mag-ama niratrat ng kagawad, dedo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na sumapit sa Bagong Taon ang mag-ama matapos itong pagbabarilin ng barangay kagawad sa inuman sa Barangay Santol sa Quezon City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinilala ang mag-ama na sina Raymund Deanon, 45; at Rodney Deanon Sr., 69, mga nakatira sa # 2 Baloy Street sa nasabing barangay habang pinaghahanap naman ang suspek na si Kagawad Anacleto de Torre.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, na naganap ang pamamaril sa harap ng bahay ng mag-ama, ilang hakbang lang ang layo sa barangay hall.

Napag-alamang nag-iinuman ang mag-ama nang sumiklab ang matinding pagtatalo kaya nagalit ang suspek na lumabas mula sa barangay hall at isinagawa ang pamamaril.

Agad namang isinugod sa UERM Hospital subalit idineklarang patay si Raymund bandang alas-7:15 ng umaga habang namatay naman si Rodney bandang alas-8:35  ng umaga.

Sinasabing naingayan ang suspek sa mag-ama kaya naganap ang krimen.

vuukle comment

ANG

BAGONG TAON

BALOY STREET

BARANGAY SANTOL

KAGAWAD ANACLETO

NAPAG

QUEZON CITY

RAYMUND

RAYMUND DEANON

RODNEY DEANON SR.

SINASABING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with