^

Police Metro

Kubol ng carnap king sa Bilibid, winasak

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Winasak ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kubol ng lider ng carjacking syndicate na si Raymond Dominguez matapos makakumpiska ng mga kontrabando mula dito sa ikasampung Oplan Galugad Operation kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Dakong alas-6:00 ng umaga nang salakayin ang kubol ni Dominguez at ang quadrant 1 nakasamsam ng mga drug paraphernalias, air-condition unit, cellphone  at iba pang mga appliances, na itinago sa likod ng isang painting ng isang hubad  na babae.

Sinuyod din ang quadrant 2 na nasa building 4 at nakakuha rin dito ng 8 cellphones, 10 patalim, tatlong aquarium at P30,000 cash, mula sa isang preso.

Nakita rin sa isang kubol na nagmistulang hardware, dahil nakakuha rito  ng sako-sakong construction materials at ilang bakal.

Nasa ika-sampung Oplan Galugad ang isinasagawa sa NBP na ang walo ay sa  maximum security compound at dalawa sa medium security compound.

vuukle comment

ANG

BUREAU OF CORRECTIONS

DAKONG

DOMINGUEZ

MUNTINLUPA CITY

NAKITA

NBSP

OPLAN GALUGAD

OPLAN GALUGAD OPERATION

RAYMOND DOMINGUEZ

SINUYOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with