^

Police Metro

Sastre nilayasan ng asawa, nagbigti

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi matanggap ng isang sastre ang ginawang pag-iwan sa kanya ng misis sa mismong araw ng Pasko kaya’t sa sobrang depresyon ay nagbigti ito gamit ang kanyang sinturon sa loob ng shop sa Central Market, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, dakong alas-8:10 ng gabi nang madiskubre ng isang Salvador Lazo, stall owner ang nakabigting katawan ng biktima na si Al Santiago, ng no. 1786 Franco St.,Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon na bago ang pagpapakamatay, ay  malungkot umano ang biktima dahil mismong araw ng Pasko ay nilayasan siya ng misis matapos itong magalit nang ibenta niya ang makina sa pananahi dahil wala silang pera.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas 4:00 ng hapon kamakalawa na umiinom ng tatlong bote ng alak.

Hindi naman makita ang pitaka ng biktima na naglalaman ng P15,000 na pinagbentahan ng makina kaya ipinatatawag ng MPD-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang isang pulis na unang nagresponde sa crime scene.

vuukle comment

AL SANTIAGO

ANG

BATAY

CENTRAL MARKET

CRUZ

FRANCO ST.

GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

HULING

MAYNILA

PASKO

SALVADOR LAZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with