^

Police Metro

Magtatay patay sa sunog

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malungkot ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ng isang pamilya matapos na masawi sa sunog ang kanilang mag-ama naganap kahapon ng umaga sa Brgy. San Roque, Cavite City.

Ang mag-amang nasawi ay kinilalang sina Joel Navarro Sr., 40, negosyante at ang anak nitong si Joel Jr., 20, estudyante at kapwa residente ng #724 R. Basa St Brgy. 54-M San Roque, ng nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon, naganap ang sunog dakong alas-5:25 ng umaga habang nasa kasarapan ng tulog ang mag-ama.

Dahil sa gawa sa kahoy ang bahay ay mabilis na itong nagliyab at kumalat ito sa buong kabahayan at hindi na nakalabas ang mag-ama.

Naapula na ang sunog bandang alas-6:24 ng umaga at nang magsagawa ng mopping operation ang mga bumbero ay natagpuang patay ang ama habang naghihingalo ang anak nito na dinala sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.

Aabot sa P3 milyong piso ang naabong ari-arian sa mga nasunog na kabahayan.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng sunog.

vuukle comment

AABOT

ANG

BASA ST BRGY

BATAY

BRGY

CAVITE CITY

DAHIL

JOEL JR.

JOEL NAVARRO SR.

M SAN ROQUE

SAN ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with