^

Police Metro

Seguridad sa Simbang Gabi, plantsado na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Plantsado na ang seguridad na ipatutupad ng Philippine National Police sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa susunod na linggo kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Wilben Mayor na kasalukuyan ay nasa heightened alert ang PNP sa Oplan Ligtas Paskuhan at depende na sa mga district director, regional directors, provincial directors at iba pang mga unit commanders kung magtataas sa full alert status sa umpisa ng Simbang Gabi sa Disyembre 16 hanggang sa 24.

Magdedeploy ng karagdagang mga pulis  sa bisinidad ng mga simbahang Katoliko upang bigyang proteksyon ang mga dadalo sa tradisyunal na Simbang Gabi.

Magtatalaga rin ng mga chokepoint at checkpoints  sa mga istratehikong lugar kung saan makakatuwang ng mga pulis ang mga K 9 dogs upang tiyakin ang seguridad ng mamamayan.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng opisyal ang publiko na iwasan ang pagsusuot ng mamahaling alahas, pagdi-display ng pera sa mga matataong lugar at maging ng mga mamamahaling cellphone at iba pang electronic gadgets upang makaiwas sa pambibiktima ng mga masasamang loob.

vuukle comment

ANG

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DISYEMBRE

KAPASKUHAN

MGA

OPLAN LIGTAS PASKUHAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SIMBANG GABI

SPOKESMAN P

WILBEN MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with