^

Police Metro

Kidnaper na Abu napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kidnap for ransom (KFR) gang ang napatay matapos makipagbarilan nang masabat ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa Bgy. Sipangkot, Sitangkai, Tawi-Tawi kahapon ng umaga.

Kinilala ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla ang nasawing suspek sa alyas lamang nitong Said na tauhan ni Abu Sayyaf Sub-Commander Alhabsy Misaya sangkot sa KFR  sa Western Min­danao at maging sa kanugnog na Sabah at Sindakah, Malaysia.

Batay sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga nang makasagupa ng Joint Task Group (JTG) Tawi –Tawi at JTG ZAMBASULTA (Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ) sa pamumuno ni Captain Harry John Delgado, Tawi-Tawi Police  at  Special Action Force ng PNP ang grupo ni Said.

Nagkaroon ng  palitan ng putok na  ikinasawi ni Said na inabandona ng mga nagsitakas nitong mga kasamahan.

Sa tala si Said ay sangkot sa Sipadan, Sabah, Malaysia kidnapping noong Abril 23, 2000 kung saan 21 ang binihag ng mga bandido na karamihan ay mga European na itinagoo ng mga ito sa Sulu.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ABU SAYYAF SUB-COMMANDER ALHABSY MISAYA

CAPTAIN HARRY JOHN DELGADO

JOINT TASK GROUP

RESTITUTO PADILLA

SABAH

SPECIAL ACTION FORCE

SPOKESMAN COL

TAWI

TAWI-TAWI

TAWI-TAWI POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with