^

Police Metro

8 militanteng lider kinasuhan

Angie dela Cruz, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahilan sa umanoy pagkakasangkot ng mga ito sa madugong insidente ng karahasan sa Quezon City noong ginanap ang State Of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Noynoy Aquino noong  Hulyo 27, 2015 ay kinasuhan ng criminal sa QC court ang walong lider ng militant at cause-oriented organizations.

Kinilala ang mga kinasuhan na sina Antonio Flores, secretary-general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP); Mark Adrian Ng, Hermie Marasigan, Perla Ipong at Renato Reyes  pawang mula sa Bagong Alyansang Ma­kabayan (BAYAN); Arjie Manalo, secretary-general ng GABRIELA;Vencer Crisostomo ng  Anakba­yan at Ferdinand Gaite ng grupong  COURAGE.

Kinasuhan ng PNP ang mga ito batay sa reklamo ng dalawang pulis na sina Police Chief Inspector Antonio Ananayo Jr. at PO1 Reden Malagonio, ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na umanoy binugbog ng mga akusado noong SONA.

Partikular na isinampa sa mga respondents ang kasong paglabag sa  Batas Pambansa 880 (Public Assembly Act of 1985), Serious Illegal Detention (non-bailable), Assault Upon an Agent of Person in Authority and Robbery.

Sinasabi  sa reklamo ng naturang mga pulis na sila ay nasa kanilang duty nang damputin ng mga militanteng grupo na nagsisipag protesta sa kahabaan ng Commonwealth avenue sa QC at isinakay sa isang passenger jeepney at doon  binugbog at kinuha ang kanilang mga personal na gamit.

Si Ananayo ay nagtamo ng matinding  internal head injuries dahilan para alisin ang nabuong dugo sa kanyang ulo habang si Malagonio ay nagtamo rin ng mga sugat at pasa sa kanyang katawan.

vuukle comment

ACIRC

AGENT OF PERSON

ANG

ANTONIO FLORES

ARJIE MANALO

ASSAULT UPON

AUTHORITY AND ROBBERY

BAGONG ALYANSANG MA

BATAS PAMBANSA

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with