^

Police Metro

Holdaper itinumba

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang lalaki na labas-pasok umano sa kulungan sa kasong panghoholdap ang pinagbabaril habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Guillermo Solis, Jr., 33, residente ng No. 43 Sta. Isabel St., Sto. Rosario Village, Brgy. Baritan ng naturang lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay naglalakad mag-isa ang biktima nang harangin at paputukan ng mga hindi nakilalang salarin na mabilis tumakas matapos matiyak na patay na ang biktima.

Sa record,lumalabas na dati nang naaresto si Solis at nakulong sa kasong robbery snatching at robbery with violence ngunit nagawang makapagpiyansa nitong Oktubre 30.

vuukle comment

ANG

BARITAN

BIKTIMA

BRGY

GUILLERMO SOLIS

ISABEL ST.

ISANG

MALABON CITY

OKTUBRE

ROSARIO VILLAGE

STO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with