^

Police Metro

Magtatay patay sa drug raid

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang mag-ama matapos na ito umano ay manlaban at makipagbarilan sa mga otoridad na nagsasagawa ng search operation laban sa illegal na droga kahapon ng umaga sa bayan ng Tboli, South Cotabato.

Ang mag-amang nasawi ay kinilalang sina Nelson Sollera Sr. at anak nitong si Jethro Sollera, estudyante ng SITE Koronadal at kapwa residente ng Purok Blancia, Barangay Poblacion.

Naaresto naman ang tatlong kasama na sina Nelson “Bobong” Sollera Jr.; Neri Tuan Sollera; at Melchor Fiel na nakatira rin sa compound.

Nasugatan naman ang dalawang pulis na sina PO1 Chrysler Jimenez, 29, ng Regional Police Safety Battalion (RPSB) 4th Ma­nuever Company na nakabase sa Surallah, South Cotabato na tinamaan sa kaliwang balikat at PO2 Leodegario Turbolento ng T’boli PNP na tinamaan sa kanang hita.

Batay sa ulat, nang mamamataan ng mga suspek ang paparating na mga pulis sa lugar ay agad umano nila itong pinaulanan ng bala kaya’t nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng mag-ama at pagkasugat ng dalawang pulis.

Sumuko ang mga suspek nang mapatay ang mag-ama at sa pagrekisa sa lugar ay narekober ang 24 small sachet at 3 medium size sachet ng pinaniniwalaang shabu, 3 hand grenade, 2 shotgun, magazine at mga bala, P1,843 na cash at iba’t ibang drug paraphernalias.

vuukle comment

ANG

BARANGAY POBLACION

CHRYSLER JIMENEZ

JETHRO SOLLERA

LEODEGARIO TURBOLENTO

MELCHOR FIEL

NELSON SOLLERA SR.

NERI TUAN SOLLERA

PUROK BLANCIA

REGIONAL POLICE SAFETY BATTALION

SOUTH COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with