^

Police Metro

2 sinibak na pulis arestado sa kotong

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Delpan Police Community Precinct ang dalawang dating pulis-Maynila dahil sa reklamo nang pangongotong sa mga bumaba ng barko mula sa Visaya at nagpapakilala na mga aktibong pulis pa na naganap kahapon ng madaling araw.

Ang mga inarestong suspek ay kinilalang  sina Edgar Abenoja, 39 ng no. 367 Lallana St., Tondo at Gilbeys Navoa, 39, ng no. 400-C Capulong St., Tondo.

Bago ito, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang isumbong ang dalawang suspek na may dalang mga baril at nagpapakilalang mga pulis na naninita ng mga kalalakihan sa panulukan ng Zaragosa.

Rumesponde ang mga pulis-Delpan at dito ay nakita ang dalawa na may mga nakabukol na baril kaya’t dinisarmahan ang mga ito.

Nabatid na mula nang masibak sa serbisyo ang dalawa ay nagtutungo ito sa mga lugar na inaakalang may mga pasugalan tulad ng video karera at nanghuhuli.

Sinampahan na ng reklamong usurpation of authority sa piskalya ang dalawang dating pulis.

vuukle comment

ANG

C CAPULONG ST.

DELPAN

DELPAN POLICE COMMUNITY PRECINCT

EDGAR ABENOJA

GILBEYS NAVOA

INARESTO

LALLANA ST.

MAYNILA

MGA

NABATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with