^

Police Metro

4 nalason sa tinapay na may shabu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naratay sa ospital ang apat na empleyado ng isang resort matapos silang malason sa tinapay na may halong shabu na ibinigay ng isang kustomer kamakalawa sa San Fabian, Pangasinan.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Dessy Ann Buado,19, front desk; Leonora Sumera, 68, biyuda, chef cook; Analyn Monila, 26  at Leliosa Grampa, 33.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi sa Moonylight Bay Resort sa Brgy. Tiblong, San Fabian, Pangasinan ay binigyan ang mga biktima ng tinapay ng kustomer nilang si Archie Bautista, 30.

Ilang saglit matapos na makain ang tinapay ay nagsimula nang mahilo, magsuka, sumakit ang ulo at tiyan ng mga biktima bunsod upang isugod ang mga ito sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City.

Nang isailalim sa laboratory test ang nasabing tinapay ay nabatid na may halo itong shabu kaya’t inaresto ang suspek na nahaharap kaso ng paglabag sa illegal drugs.

 

vuukle comment

ANALYN MONILA

ANG

ARCHIE BAUTISTA

DAGUPAN CITY

DESSY ANN BUADO

LELIOSA GRAMPA

LEONORA SUMERA

MEDICAL CENTER

MOONYLIGHT BAY RESORT

PANGASINAN

SAN FABIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with