^

Police Metro

Ina, 2 anak patay sa saksak ng ama

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walang awang pinagsaksak ng isang ama ang kanyang pamilya na ikinasawi ng misis, dalawang paslit na anak at pagkasugat ng malubha ng dalawa pang anak dahil lang sa init ng ulo nang matalo sa sugalan naganap kahapon ng madaling araw sa Brgy. Riverside, San Pedro, Laguna.

Idineklarang dead on arrival ang mga biktimang sina Gemmalyn Bederio Maranan, 30, dalawang anak na sina Chantal Mae, 4; at Juniel Maranan, 6 buwang gulang.

Nasa kritikal na kon­disyon sa ospital ang dalawa pang anak na sina Johnuel, 3 at Johnjohn Maranan, 2.

Ang suspek ay ang padre de pamilya na si Ruel Maranan, 31, na isinugod rin sa Narra Hospital matapos na magsaksak sa sarili.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaslang dakong alas-4:30 ng madaling araw  sa bahay ng mag-asawa sa nasabing lugar ay mainit ang ulo nang umuwi ang suspek mula sa isang lamayan matapos na ipatalo sa sugal ang pera nito.

Nagalit umano ang misis sa nangyari na na­ging dahilan ng mainitan nilang pagtatalo hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang suspek at pinagsasaksak ang misis saka isinunod ang apat nitong anak.

Nang bumulagta ang misis at apat na anak ay nagsaksak din ito sa sarili.

Agad namang isinugod ng mga kapitbahay sa pagamutan ang mag-iina matapos silang magising sa paghingi ng saklolo partikular na sa palahaw ng mga bata.

Ang suspek ay kasalukuyang bantay-sarado sa ospital na nahaharap sa kasong 3 counts of parricide at 2 counts of frustrated parricide.

vuukle comment

ACIRC

ANAK

ANG

BATAY

CHANTAL MAE

GEMMALYN BEDERIO MARANAN

JOHNJOHN MARANAN

JUNIEL MARANAN

NARRA HOSPITAL

RUEL MARANAN

SAN PEDRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with