^

Police Metro

Lider ng Budol-Budol Gang, tiklo

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ang 44-anyos na lider ng notoryus na Budol-Budol Gang matapos ang operasyon ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Bañga 1st, Ba­yan ng Plaridel, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Hindi na nakapalag at pormal na kinasuhan ang suspek na si Evelyn De Guzman ng Barangay Makinabang sa bayan ng Baliwag.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Dale Soliba, pinakahuling biktima ng suspek si Mary Ann Diezmo ng Brgy. Tabang sa Bayan ng Plaridel.

Nabatid na nilapitan ng suspek ang biktima habang ito ay nasa shopping mall kung saan nagpakilalang misis ng isang opisyal ng pulis.

Inakusahan ang biktima na ninakaw ang pitaka ng anak ng suspek.

Gayon pa man, upang patunayan na nagkamali ang suspek sa akusasyon ay ipinakita ng biktima ang kanyang bag.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay mabilis na sinamantala ng suspek na limasin ang P6,000 cash at mga ATM card nito saka mabilis na tumakas.

Natunugan naman ng biktima ang modus operandi ng suspek kaya humingi naman ng saklolo sa ilang sekyu kaya nasakote ang suspek.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARESTADO

BARANGAY BA

BARANGAY MAKINABANG

BUDOL-BUDOL GANG

DALE SOLIBA

EVELYN DE GUZMAN

MARY ANN DIEZMO

PLARIDEL

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with