^

Police Metro

17-anyos estudyante ni-rape/slay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na dalagita na 1st year college student ang natagpuang patay sa loob mismo ng kanyang bahay matapos itong gahasain at bigtihin  ng hindi nakilalang suspek na pumasok sa kanilang bahay kamakalawa sa Brgy. Suba Masulog, Lapu-Lapu City, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Karen Kaye Montebon, kumukuha ng kursong accountancy na ang bangkay ay natagpuan sa ilalim ng kama nito na may lubid ang leeg dahil sa ito ay binigti pagkaraang halayin ng hindi pa kilalang suspek.

Batay sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon nitong Martes nang madiskubre ng ama ng biktima na si James Montebon ang brutal na sinapit ng anak sa manyakis na rapist  nang ito ay umuwi sa kanilang bahay sa Corinthian Subdivision, Brgy. Suba-Masulog ng lungsod.

May hinala ang pulisya na ang krimen ay naitala sa pagitan ng alas-7:00 hanggang alas 8:00 ng umaga matapos na maiwang mag-isa ang biktima sa bahay.

Nawawala rin ang Ipod at DSLR camera ng biktima  kayat lumutang ang anggulo ng pagnanakaw sa insidente.

Lumalabas sa pagsusuri na ang biktima ay ginahasa  dahil sa  duguan ang panty nito.

vuukle comment

ANG

BATAY

BRGY

CEBU

CORINTHIAN SUBDIVISION

IPOD

ISANG

JAMES MONTEBON

KAREN KAYE MONTEBON

LAPU-LAPU

LAPU-LAPU CITY

SUBA MASULOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with