^

Police Metro

Mag-utol na paslit, pinagsasaksak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak ng hindi pa kilalang suspek ang mag-utol na paslit na pumasok sa kanilang tindahan sa Brgy. Sablig, Anda, Pangasinan.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Arlyn Carace, 4, nang laslasin ang leeg nito at pagsasaksakin sa katawan.

Habang nasa malubhang kalagayan ang ate nito na si  Marvilyn Carace dahil din sa mga saksak sa katawan.

Batay sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi ay mahim­bing na natutulog ang magkapatid na iniwan ng kanilang magulang para mangisda.

Narinig ng kapitbahay ng pamilya na si  Jhonson Cariño, 31 ang palahaw ng magkakapatid na takot na takot at nagmamakaawa.

 Agad naman nitong tinawag ang kaniyang bayaw para sumilip sa bahay ng pamilya Carace at dito na nito nakita ang  mga biktima na duguang nakahiga sa kama.

Pinaniniwalaan namang mabilis na tumakas ang salarin nang maramdaman ang pagpasok ng magbayaw sa bahay ng pamilya Carace.

Sa teorya ng mga pulis, posible umanong kaaway ng  ama ng biktima ang salarin at niresbakan lang ang magkapatid.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARLYN CARACE

ATILDE

BATAY

BRGY

CARACE

HABANG

JHONSON CARI

MARVILYN CARACE

NARINIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with