^

Police Metro

College student dedo sa holdap

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang estudyante ng  Unibersidad De Manila nang ito ay agad  saksakin sa dibdib ng isang holdaper na  tangkang humablot sa dala nitong bag sa ibabaw ng Quezon Bridge sa Quiapo, Maynila kahapon ng umaga.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Renzo Rey Budoy, ng  1901–K Int. Zamora St., Pandacan.

Batay sa ulat,dakong alas-6:30 ng umaga ay sakay ang biktima sa isang pampasaherong jeep.

Pagdating sa ibabaw ng nasabing tulay ay bigla na lamang hinablot ng isang suspek ang bag ng biktima at sabay saksak sa dibdib nito.

Kahit na may tama ng saksak si Budoy ay nagawa nitong makatalon sa jeep, pero sinundan siya ng suspek at muling pinag-uundayan nang saksak.

Nabigo ang suspek na tangayin ang bag nang makitang naliligo na sa sariling dugo ang biktima.

vuukle comment

ANG

BATAY

BUDOY

K INT

KAHIT

MAYNILA

NABIGO

QUEZON BRIDGE

RENZO REY BUDOY

UNIBERSIDAD DE MANILA

ZAMORA ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with