^

Police Metro

Misis hinostage inutas ni mister

Randy Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 38-anyos na misis na hinostage ng sari­ling mister ang nasawi matapos na siya ay saksakin ng 15 beses sa loob ng kanilang bahay kahapon sa Olongapo City.

Ang biktima na  hindi na umabot ng buhay sa James Gordon Memorial Hospital ay kinilalang si Marivic Villanueva-Rodriguez, residente ng Mactan, Purok 1. Brgy. Old Cabalan ng nasabing lungsod.

Sugatan naman ang mister nitong si Victor Rodriguez, 42, nang tangkaing magpakamatay matapos na saksakin ang sarili.

Sa salaysay ng ina ng suspek na nakilalang si Angelita, 64, bago nangyari ang krimen bandang alas-9:30 ng umaga ay armado ng patalim ang anak na noon ay nakadroga at sinisigawan ang mga taong nasa loob ng bahay nila.

Nagalit ang suspek at tinutukan ng patalim ang misis at ipinasok sa kuwarto at doon na ito tuluyang binihag na aabot ng dalawang oras.

Hiniling na susuko ang suspek kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino.

Agad na inimpormahan ng pulisya si Paulino, ngunit bago pa man makarating sa crime scene ay narinig ang paghingi ng tulong ni Marivic hanggang sa mawala na ang tinig nito at ilang minuto ang nakalipas ay duguang lumabas ang supek, habang natagpuan ang biktima na duguan ang dibdib.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELITA

BRGY

HINILING

JAMES GORDON MEMORIAL HOSPITAL

MARIVIC VILLANUEVA-RODRIGUEZ

OLD CABALAN

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY MAYOR ROLEN PAULINO

VICTOR RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with