^

Police Metro

Sundalo dedo sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang sundalo habang masuwerte namang nakaligtas ang isa nitong kasamahan nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na ambush sa Brgy. Temporan, Magpet, North Cotabato kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Corporal Ricardo Paghubasan. Habang nakaligtas naman si Pfc Cirilo Demapitan na siyang nag-report ng insidente sa Patrol Base ng militar sa Brgy. Basak sa bayang ito.

Sa ulat, dakong alas-6:40 ng umaga sa kahabaan ng highway ng  Sitio Campo Inang, Brgy. Temporan ay bumabagtas ang dalawang sundalo na kapwa nakasuot ng sibilyan nang paulanan ng bala ng mga rebeldeng nagkukubli sa damuhan.

Nagawa namang paharurutin ni Demapitan ang minamaneho nitong motorsiklo, subalit naiwan si Paghubasan na napuruhan ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang ikinasawi nito.

vuukle comment

BASAK

BRGY

CORPORAL RICARDO PAGHUBASAN

DEMAPITAN

NEW PEOPLE

NORTH COTABATO

PATROL BASE

PFC CIRILO DEMAPITAN

SITIO CAMPO INANG

TEMPORAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with