^

Police Metro

Mag-inang mandurukot tiklo sa MRT

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga otoridad ang isang mag-ina matapos na dukutin ng mga ito ang mamamaha­ling cellphone ng isang biktima sa loob ng Metro Rail Transit (MRT) sa  Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Ang mag-inang suspek ay kinilalang sina Edna  Villanueva, 47 at anak na si Jennylyn, 22, dalaga, kapwa nakatira sa  #1379 Prudencio St., Sampaloc, Maynila.

Sa salaysay ng biktima na si Angela Margallo,19 na dakong alas-9:30 ng gabi habang siya ay palabas ng tren ng MRT sa Shaw Boulevard Station ay naramdam niya na siniksik siya ng batang Villanueva at sinabayan sa pagbaba sa MRT at doon niya nalaman na nadukot ang kanyang I-phone 6 na nagkakahalaga ng P50,000.

Hinabol ng biktima ang suspek at mahigpit na hinawakan ang kamay at mabilis na nagsumbong sa mga sekyu at inaresto.

Inamin ng suspek sa pulisya na siya ang dumukot, pero naipasa niya sa kanyang ina.
Pinakiusapan ng mga otoridad ang suspek na ibalik ang cellphone para patawarin siya, kaya’t tinawagan ang kanyang ina dala ang cell phone ng biktima.

Nang maibalik ang cell phone sa biktima ay hindi na ito pumayag na pakawalan ang mag-ina at tinuluyan niyang kasuhan.

vuukle comment

ANGELA MARGALLO

EDNA

HINABOL

INAMIN

MANDALUYONG CITY

METRO RAIL TRANSIT

PRUDENCIO ST.

SHAW BOULEVARD STATION

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with