^

Police Metro

Bagitong pulis nanapak ng aplikanteng pulis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinapak ng isang bagitong pulis ang isang aplikante sa pagpupulis na kanyang kababata naganap kamakailan sa Tondo, Maynila.

Inireklamo ng biktima na si Jonathan Stanly, 26, aplikante sa kasalukuyang recruitment ng Philippine National Police (PNP) at residente ng1631 Interior 15, F. Varona  St., Tondo ang kababatang si PO1 Mark Gonzales na nakatalaga sa MPD-station 1.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon noong Marso 20 ay nakasalubong ng biktima si PO1 Gonzales   sa Dandan St., nang lapitan at sapakin siya sa mukha.

Hinala ng biktima na nag-ugat ang pananapak ng suspek sa kanya ay nang pagbintangan siya ng  nasabing huli na nagtext noong  Maro 5 na nananakot at nanghihingi ng ransom.

Ayon pa sa biktima na matagal na siyang umiiwas sa suspek at nagsasalita pa umano ito na haharangin ang kaniyang papel upang hindi matanggap sa pagpupulis.

Nakatakdang magharap ang dalawa sa piskalya kung itutuloy ng biktima ang pagharap ng kaso sa pulis.

vuukle comment

AYON

BATAY

DANDAN ST.

GONZALES

HINALA

INIREKLAMO

JONATHAN STANLY

MARK GONZALES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with