^

Police Metro

Indian national dinukot

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Indian natio­nal ang dinukot ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek habang ito ay naniningil ng pautang nitong 5-6 kamakalawa sa Brgy. Balubad 2, Silang, Cavite.

Ang biktima ay kinilalang si Jasbir Bhopal alyas Billy, nasa hustong gulang may-asawa at residente ng Blk. 77, Lot 1, Phase D, Windward Subdivision, Dasmarin?as City, Cavite. 

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo (8675-QX) at huminto sa tapat ng bahay ng isa nitong kliyente sa nasabing lugar para maningil ng pautang.

Pagkababa ng biktima sa motorsiklo ay may dalawang lalaki na bumaba sa isang kulay itim na Toyota Hilux at sinunggaban ang biktima at puwersahang sinakay sa kanilang sasakyan at mabilis na tumakas.

Wala pang natatanggap na tawag ang kaanak ng biktima sa mga dumukot dito.

vuukle comment

BALUBAD

BATAY

BRGY

CAVITE

ISANG INDIAN

JASBIR BHOPAL

PHASE D

TOYOTA HILUX

WINDWARD SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with