^

Police Metro

Bagets tinodas ng sundalo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabahiran ng krimen ang masayang piyesta matapos na pagbabarilin  ng isang sundalo ang isang 16-anyos na binatilyo kamakalawa sa  Taytay, Palawan.

Ang nasawi ay kinilalang si Enrique “Chitoy” Mendez, residente ng Brgy. Calawag sa nasabing bayan.

Nakilala naman ang suspek na si Staff Sergeant Alchier Mansing ng 44th Marine Company ng Marine Battalion Landing Tea (MBLT) 4 at residente ng Zamboanga na kabilang sa contingent mula sa Paglaum detachment na ipinadala sa lugar para sa selebrasyon ng  kapiyestahan ng Iglesia Filipina Independiente.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay dumating sa piyesta ang suspek na hindi naka-duty ng mga oras na iyon.

Ilang sandali ay may tatlong kalalakihan kabilang ang biktima sa lugar  at ipinakita sa suspek ang isang plastic sachet ng shabu.

Inagaw umano ng suspek ang nasabing plastic sachet ng  shabu sa tatlo hanggang sa magpambuno ang mga ito na kung saan ay nagbunot ito ng baril at pinaputukan ang biktima.

Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang dalawa nitong kasama habang ang suspek ay boluntaryong sumuko sa kanyang hepe.- Joy Cantos-

vuukle comment

BATAY

BRGY

CALAWAG

CHITOY

IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE

JOY CANTOS

MARINE BATTALION LANDING TEA

MARINE COMPANY

STAFF SERGEANT ALCHIER MANSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with