^

Police Metro

Store owner niratrat sa harap ng tindahan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang isang 38-anyos na lalaki habang ito ay magsasara ng kanyang tindahan kahapon ng madaling araw sa Marikina City.

Namatay noon din ang biktimang si Angelito Rayos, 38, may-asawa, ng Gumamela St., Barangay Malanday sa lungsod dahil sa dami ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling araw ay isasara na sana ng biktima ang kanyang tindahan nang dumating ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo na walang plaka at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima at isang nadaplisan ng bala sa binti ang isang Fletiyo Tarucan. Habang tumakas ang mga suspek sa direksiyon ng Antipolo City, Rizal.

Nakarekober ang mga otoridad ng 17 basyo ng
bala ng kalibre 45 sa lugar ng insidente.

vuukle comment

ANGELITO RAYOS

ANTIPOLO CITY

BARANGAY MALANDAY

BATAY

FLETIYO TARUCAN

GUMAMELA ST.

HABANG

MARIKINA CITY

NAKAREKOBER

NAMATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with