^

Police Metro

Pulis pinatay sa videoke bar

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pulis ang pinagbabaril habang ito ay nag-iinom sa loob ng isang videoke bar kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Francisco, Tapaz, Capiz.

Nasawi noon din ang biktimang si PO2 Rogelio Delay ng Banate Police, dahil sa tinamong tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan.

Batay sa ulat, naganap ang insidente sa isang videoke bar sa Brgy. San Francisco, Tapaz, Capiz.

Lumalabas sa im­bestigasyon, kasaluku­yang nasa loob ng bar ang biktima na nag-iinuman kasama ang tiyuhin at tatlong anak ng kaniyang live-in partner nang magkabanggaan ang mga kasamahan ni Delay at apat na lala­king umiinom sa kabilang mesa sa naturang vi­deoke house na nauwi sa komosyon.

Isa sa mga suspek ang bigla na lamang binunot ang nakatago nitong cal. 45 pistol at pinagbabaril ang biktima.

 

vuukle comment

BANATE POLICE

BATAY

BRGY

CAPIZ

ISA

ISANG

ROGELIO DELAY

SAN FRANCISCO

TAPAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with