^

Police Metro

15,000 sundalo, pulis idedeploy sa Tacloban at Leyte

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaugnay ng nakatakdang pagbisita ni Pope Francis sa Tacloban City at Palo, Leyte ngayong araw ay nasa 15,000 sundalo at pulis ang idedeploy.

Sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., nasa 7,000 sundalo mula sa Army’s 8th Infantry Division (ID) at mga reservist ang mangangalaga sa seguridad ni Pope Francis, entourage, mga opisyal ng pamahalaan at mga debotong dadagsa sa okasyon.

Ang pagbisita ni Pope Francis sa Leyte ay bahagi ng 5 day state visit nito sa bansa kung saan ay magdaraos rin ito ng misa sa Tacloban City at makakasalo sa pa­nanghalian ang mga survivors ni supertyphoon Yolanda sa bayan ng Palo.

Sa panig naman ng PNP, nasa 8,000 pulis ang  nakatalagang mangalaga sa Santo Papa.

Sa nasabing bilang 5,000 pulis ang nakatalaga sa motorcade; 2,000 naman sa misa na isasagawa ni Pope Francis sa Daniel Romualdez Airport habang 500 naman sa Palo Cathedral; 300 sa Pope Francis Center at 200 naman para magsagawa ng checkpoint.

Si Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ay nanalasa sa Visayas Region partikular na sa Leyte at Samar noong Nobyembre 2013.

vuukle comment

CHIEF OF STAFF GEN

DANIEL ROMUALDEZ AIRPORT

GREGORIO PIO CATAPANG JR.

INFANTRY DIVISION

LEYTE

PALO

PALO CATHEDRAL

POPE FRANCIS

POPE FRANCIS CENTER

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with