^

Police Metro

P400-M shabu nasamsam sa Parañaque

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dinakip ng mga otoridad ang isang Danilo Pineda nang makum­piska sa cargo nito ang nasa 40 kilong shabu na aabot sa halagang P400  milyon nang  salakayin ang isang warehouse sa Parañaque City kahapon.

Batay sa ulat, alas-2:00 kahapon  ng hapon nang dumating sa nasabing lugar si Pineda upang kunin ang apat na kahon na may lamang water pump, subalit nang inspeksiyunin  ng mga pulis ay naglalaman  ng mga shabu.

Sa bawat  isang kahon ay may laman na water pump na kulay green at sa loob ng tangke o cylinder pump ay mayroon nakasiksik na maliit na kulay itim na bag na kung saan nakalagay ang shabu na may 10 kilo.

Ang naturang  kontrabando ay dumating sa bansa noong Disyembre 28 mula sa Hong Kong sakay ng Cathay Pacific flight number TX-903, dahilan upang kaagad arestuhin ng mga pulis si Pineda.

Iginiit naman ni Pineda na hindi niya alam na may lamang shabu ang mga pinakuhang bagahe ng kanyang amo (hindi binanggit ang pangalan ng kanyang amo) na sinasabing matagal na umanong importer ng water pumps.

Ayon kay Atty. Roque Merdeguia, ng PNP-AIDSOFT, ilang araw na nilang inaantabayanan kung sino ang kukuha ng 4 na kahon na bagahe na inilagay sa warehouse ng Peoples Air Cargo and Warehousing Company o pair cargo sa NAIA ­Avenue sa nasabing lungsod.

Nabatid pa kay  Atty. Merdeguia, na ang apat na kahon ay nakapangalan kay Pineda kaya’t alibi lamang nito na hindi niya alam na ang laman ng mga kahon ay droga.

vuukle comment

AYON

CATHAY PACIFIC

DANILO PINEDA

HONG KONG

PEOPLES AIR CARGO AND WAREHOUSING COMPANY

PINEDA

ROQUE MERDEGUIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with