^

Police Metro

Iba’t-ibang sasakyan dumale, bebot lasog sa hit-and-run

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagmistulang bola sa kalsada ang isang di pa nakikilalang babae matapos na magulungan at malasog ng iba’t – ibang uri ng sasakyan sa flyover sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Nahihirapan ang pulisya na kilalanin ang bangkay ng biktima dahil nga nagkahiwalay-hiwalay ang katawan nito at bukod sa nasagasaan ito ng ibat-ibang uri ng sasakyan at posibleng nagulungan din 10-wheeler truck dahil sa ebidensiyang nakita sa bangkay nito.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Traffic Accident Investigation Unit (TAIU) ng Pasay City Police, natagpuan ang gutay-gutay na katawan ng biktima dakong alas-4:00 kahapon ng mada­ling araw sa South bound lane  ng flyover ng  Roxas Boulevard.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa basurerong si Crispin Casero, alas-3:00 ng madaling araw  habang siya ay nangangalakal sa naturang lugar  narinig niya ang isang sasakyan na may nabangga ito.

May hinala ang pulisya na posibleng nasagasaan ito ng ibat-ibang uri ng sasakyan sa naturang lugar dahilan upang magkahiwalay-hiwalay ang katawan nito.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente at ang bangkay ng biktima ay nakalagak ngayon sa Rizal Funeral Homes.

vuukle comment

CRISPIN CASERO

NAGMISTULANG

NAHIHIRAPAN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RIZAL FUNERAL HOMES

ROXAS BOULEVARD

TRAFFIC ACCIDENT INVESTIGATION UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with