^

Police Metro

Misis kinatay sa 5/6

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang malaking tubo sa pagpapautang ng isang ginang sa negosyo nitong 5/6 ang mitsa umano ng pagpatay dito ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng kanyang bahay sa bayan  ng Bato, Camarines Sur.

Ang biktima na natagpuang patay ay kinilalang si Maria Flororita, 47, residente ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, bago natagpuang patay ang biktima ay narinig pa ng kapatid na kanyang kapitbahay ang malakas na sigaw nito na tila humihingi ng saklolo.

Mabilis na tinungo ng kapatid ang bahay ng biktima at nang pasukin ang bahay ay natagpuang wala na itong buhay.

Ang biktima ay nagtamo ng malalim na saksak sa kanyang tagiliran na lumagos sa kanyang baga na siyang dahilan ng daglian nitong  kamatayan.

Bukod sa pagbubusisi sa anggulong nagpapatubuan ng pera ang biktima sa mga magsasaka ay nag-iimbestiga pa ang pulisya sa iba pang anggulo  ng pamamaslang.

vuukle comment

BAHAY

BATAY

BATO

BIKTIMA

BUKOD

CAMARINES SUR

KANYANG

MABILIS

MARIA FLORORITA

NATAGPUANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with