^

Police Metro

13th month bonus ng empleyado, naholdap

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot sa P28,000 na 13th month bonus ng isang accounting analyst ang natangay ng riding-in-tandem suspects nang siya ay holdapin at barilin kamakalawa sa Caloocan City.

Ang biktima na nakaratay sa Manila Central University Hospital dahil sa tinamong  tama ng bala sa braso at leeg ay kinilalang si Renz Bernal 26-anyos, binata, Sta. Quiteria, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng dakong alas-2:45 ng madaling araw sa may Rivera Street, Brgy. 163 Sta. Quiteria ay papauwi na sa kanyang bahay ang biktima mula sa trabaho nang harangin ng dalawang salarin na magkaangkas sa isang motorsiklo at nagdeklara ng holdap.

 Pumalag ang biktima kaya’t pinaputukan ito ng mga suspek at  natangay ang  kanyang iPhone 5S, P28,000 na 13th month bonus.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

CALOOCAN CITY

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

PUMALAG

QUITERIA

RENZ BERNAL

RIVERA STREET

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with