^

Police Metro

Motor nasalpok ng kotse: 2 dedo

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang motorsiklo ang nasalpok ng nag-overtake na kotse na ikinasawi ng dalawang katao at pagkasugat ng isa pa kahapon ng umaga sa kahabaan ng Manila-Cavite Road, Brgy. Dalahican, Cavite City, Cavite.

Ang mga nasawi ay ang driver ng motorsiklo na si Norman Gavilla, nasa hustong gulang, ng Sitio Maguyam Silang, Cavite at ang angkas nitong si Albert Bobadilla, 36 ng Brgy. Amaya 7, Tanza. Habang nasugatan ang isa pang angkas na si Ramon Vallejo, 53 ng Maligaya, Nueva Ecija.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng kotse na nakilalang si Ericksob Gob, 43, doktor, may asawa, at residente ng Blk. 9, Lot 13, Phase C, Imus City, Cavite.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-6:00 ng umaga sa nasabing lugar ay binabaybay ng mga biktima sakay ng isang motorsiklo na walang plaka ang nasabing lugar nang mag-overtake ang Mitsubishi Lancer (TGI-453) na minamaneho ni Gob at nasalpok ang motorsiklo ng mga biktima.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang tatlong biktima at dalawa ay napuruhan ang ulo sa pagbagsak na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

vuukle comment

ALBERT BOBADILLA

BRGY

CAVITE

CAVITE CITY

ERICKSOB GOB

IMUS CITY

MANILA-CAVITE ROAD

MITSUBISHI LANCER

NORMAN GAVILLA

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with