^

Police Metro

Mag-asawang trader pinasok sa bahay, pinatay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa natagpuang patay at naliligo sa dugo ang isang mag-asawang negos­yante sa sala ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Purok 1, Brgy. Osmeña, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Leonardo de Vera, 64 at misis nitong si Merlita, 60.

Si Leonardo ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at dalawang tama ng bala.

Habang ang misis nitong si Merlita ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa salaysay ng kapitbahay na si Rommel Madi, dakong alas-11:30 ng gabi ay nakarinig siya ng dalawang putok ng baril mula sa bahay ng mag-asawa.

Kaya’t sinilip niya ito at nakita na may dalawang hindi nakikilalang suspek ang nasa bubong ng bahay ng mga mag-asawa na hindi niya nakilala.

Kinaumagahan nang i-report nito sa kanilang barangay ang pangyayari at nang puntahan ang bahay ng mag-asawa ay nadatnan ang mga ito na kapwa patay na.

Sa isinagawang im­bestgasyon ng SOCO ay walang nakitang puwersahang pinasok ang bahay ng mag-asawa at  nagkalat ang mga kagamitan.

Malaki ang posibilidad na pagnanakaw ang motibo ng pamamaslang dahil bago nangyari ang krimen ay nag-withdraw sa Rural Bank of Jose Panganiban ang lalaki na posibleng natiktikan.- Francis Elevado-

vuukle comment

BRGY

CAMARINES NORTE

FRANCIS ELEVADO

JOSE PANGANIBAN

MERLITA

ROMMEL MADI

RURAL BANK OF JOSE PANGANIBAN

SI LEONARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with