^

Police Metro

DLSU coed hinoldap/ni-rape ng taxi driver

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkalipas ng tatlong araw matapos gawin ang panghoholdap at panghahalay ng isang taxi driver sa  isang 19-anyos na dala­gang estudyante ng De La Salle University (DLSU) ay nadakip na rin ito ng mga otoridad sa isang follow-up operation nang matunton ang bahay nito kahapon ng umaga sa Maharlika Village, Taguig City.

Kinilala ni Manila Police District-District Intelligence Division (MPD-DID) chief, P/ Supt. Raymund Liguden ang suspek na si Miguel Maranan, 31, may-asawa, taxi driver, ng Maharlika Village, Taguig City.

Positibong itinuro ng biktima na itinago sa pangalang “Valerie”, estudyante ng DeLa Salle University at pamangkin ng driver ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang suspek na  pormal ng kinasuhan ng robbery at rape sa Manila Pro­secutor’s Office.

Maging ang minamanehong taxi ng suspek na Naning Taxi (UVB-953) ay dinala na rin sa MPD headquarters upang gamiting ebidensiya.

Batay sa ulat, dakong alas-12:40 ng madaling araw noong Disyembre 2 matapos gumimik ang biktima kasama ang 3 kaibigan sa Global City sa Taguig City ay sumakay ito sa taxi ng suspek.

Umupo ang biktima sa likuran at  hindi inakalang may nagtatagong lalaki sa harapang upuan katabi ng driver.

Hindi napansin ng biktima ang lalaking nakayuko sa unahan dahil sa nakatakip ito ng itim na bagay.

Agad na nagdeklara ang suspek at kasama nito nang holdap at bukod sa kinuha ang dalang bag at cellphone bago pinagwidraw pa ang biktima sa kanyang ATM na umaabot sa P6,000.

Sa halip na dalhin ang biktima sa  kaniyang condominium sa Vito Cruz, sa Malate, Maynila ay dinala ito sa isang motel sa Las Piñas City at doon hinalay ni Maranan ang biktima sa loob ng 6 na oras bago pinakawalan.

Ayon pa sa biktima na binaboy siya ni Maranan at kung anu-anong kahayupan ang pinagawa sa kanya at sa kanyang katawan.

Nagsilbing kasabwat at lookout lamang ang isa pang suspek na hindi pa ibinunyag ang pangalan na siyang tinutugis ng pulis.

Magugunita na kamakailan ay napaulat na hinggil sa gumagalang taxi na ang dri­ver ay nanghoholdap at nangmomolestiya ng pasaherong babae.

vuukle comment

BIKTIMA

DE LA SALLE UNIVERSITY

GLOBAL CITY

LAS PI

MAHARLIKA VILLAGE

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

MANILA PRO

MARANAN

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with