^

Police Metro

70 kababaihan nasagip sa prostitusyon

Pang-masa

MANILA, Philippines - PITUMPONG kababaihan na ilan dito ay menor de edad, na pawang umano’y binubugaw at nagsasayaw ng hubo’t hubad ang nasagip nang pinagsanib na puwersa Pasay City Police, Department Of Justice (DOJ) at Criminal Investigation and Detective Group (CIDG) kahapon ng madaling araw sa isang ktv bar sa  natu­rang  lungsod.

Ayon sa report ng pulisya, alas-12:00 madaling-araw nang ma-rescue ang mga kababaihang nagtatrabaho sa D’CZAR KTV Bar, na matatagpuan sa Roxas Boulevard, Pasay City sa isang  joint entrapment at rescue operation ng  pulisya at Inter Agency Council Against Traffic­king ng DOJ.

Sa naging operasyon ng mga awtoridad, bumungad agad sa kanila ang mga babaeng nagsasayaw na karamihan dito ay pawang nakahubad at naka-table sa mga dayuhan sa mga VIP rooms ng club.

Na-recover  din sa ilang kuwarto ang mga nagamit at nakapakete pang condom na hinihinalang ginagamit sa mga babaeng nai-table ng kanilang mga custo­mer. May bold show din umano at bar fines kung saan maaaring ilabas ang mga babae sa halagang P8,000.

Isasailalim sa dental aging at counseling ang mga nasagip na babae sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa ngayon ay iniim­bestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga  posibleng sangkot sa human trafficking at sakaling mapatunayan may nilabag ang natu­rang ktv bar ay maaari itong ipasara ng Department of Labor and Employment (DOLE).

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

INTER AGENCY COUNCIL AGAINST TRAFFIC

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with