^

Police Metro

Rapist ng kambal, itinumba

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi sukat akalain ng isang jeepney driver na suspek sa panghahalay sa magkapatid na kambal na libre na siya sa kaso matapos na pasukin ng tatlong kala­lakihan at barilin sa habang mahimbing natutulog sa kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Rolando delos Santos, alyas “Bugoy”, 38, ng  no. 2139 Elias St., Sta.Cruz, Maynila sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Ayon sa pulisya bago nangyari ang pamamaril ay nakita ng ilang residente ang tatlong lalaki na pumasok sa bahay dakong alas-8:00 ng gabi at inakyat ang ikalawang palapag na kung saan ay nandoon si Delos Santos at katabi sa kama ang live in partner na si Jhoan Marie Rafael at agad na binaril sa ulo ang biktima.

Nabatid na kamakalawa ng  hapon nang arestuhin si Delos Santos ng mga barangay tanod nang ito ay muling lumutang sa lugar matapos magtago dahil sa kasong panghahalay sa 10-anyos na magkapatid na kambal na pamangkin ng kanyang live in partner na inumpisahang gahasain noong 7-anyos pa lamang ang mga ito.

Dahil sa matagal na umano ang kaso at kamakalawa lang nakapaghain ng reklamo ay wala pang warrant of arrest na inilabas ang korte kaya’t pinakawalan si Delos Santos.

Ayon sa ilang residente na ayaw magpakilala na mara­ming nanggigil kay Delos Santos sa ginawa nitong panggagahasa sa magkapatid na kambal at lalong nagalit ang mga ito nang sabihin nito na hindi siya makukulong dahil matagal na ang kaso.

Hinihinilang mga vigilante ang pumatay kay Delos Santos.

vuukle comment

AYON

BUGOY

CRUZ

DAHIL

DELOS

DELOS SANTOS

ELIAS ST.

JHOAN MARIE RAFAEL

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with