^

Police Metro

Bangkay nakasilid sa maleta

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bangkay ang nakasilid sa loob ng maleta matapos itong itapon ng dalawang hindi pa nakila­lang babaeng sakay ng taxi kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na babae ang biktima dahil sa mahaba ang buhok nito. Nakabalot ang biktima ng kobre-kama at binuhusan ng mga uling.

Sa imbestigasyon ng pulisya natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-4:30 ng umaga na nakasilid sa loob ng isang maleta sa panulukan ng Jacobo St., Barangay Poblacion ng naturang lungsod.

Ayon sa  residenteng si Teresita Berbon, pasado alas-2:00 kahapon ng madaling araw, paglabas niya ng kanilang bahay para magtungo sa Baclaran, napansin nito ang isang taxi sa panulukan Jacobo at Doña Carmen at bumababa ang dalawang babae na may dalang maleta at iniwan ito sa nasabing lugar.

May hinala ang pulisya, na ilang buwan na rin itong patay at natagpuan naman ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa likod ng maleta ng isang calling card  na may cellphone at landline numbers ngunit hindi naman  ito matawagan.?Isasailalim sa awtopsiya ang nasabing bangkay.

vuukle comment

AYON

BACLARAN

BARANGAY POBLACION

ISANG

JACOBO ST.

MAKATI CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

TERESITA BERBON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with