^

Police Metro

Chinese national kinasuhan ng murder

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinampahan ng kasong murder ang isang Chinese national matapos barilin at mapatay ang kanyang lover na Chinese lady trader kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Ang suspek na si Benson Uy, 66 ay kasaluku­yang binabantayan ng mga pulis sa Chinese General Hospital nang madaplisan ng bala nang magbaril sa sarili.

Narekober ang kalibre 45 baril na ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktimang si Jenny Lu, 42, may-asawa, at may-ari ng Lucky Power Glassware sa 459 Elcano sa panulukan ng Claro M Recto Avenue, Tondo.

Ayon sa pulisya na  hindi puwedeng  maging homicide ang kaso dahil planado umano ang  krimen batay na rin sa nakita sa  CCTV kung saan nakita sa labas ng tindahan na naninigarilyo  ang suspek at bago pumasok sa tindahan habang  sinesenyasan ng biktima na umalis.

Nagsalita pa umano sa  wikang Intsik  ang biktima sabay bato ng tsinelas sa suspek hanggang sa makitang bumunot ito ng baril   at pinaputukan ang biktima.

Hindi tinamaan sa u­nang putok ang biktima kung kaya’t muli itong binaril ng suspek  hanggang tamaan sa tagiliran. 

 

vuukle comment

AYON

BENSON UY

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CLARO M RECTO AVENUE

ELCANO

INTSIK

JENNY LU

LUCKY POWER GLASSWARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with