^

Police Metro

Ex-Senator Alvarez sugatan sa banggaan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasugatan si dating Senador at DENR Secretary Heherson  Alvarez nang aksidenteng bumangga ang sasakyan nito sa isang nakaparadang truck sa tabi ng highway ng Brgy. Pandanon Silos, Murcia, Negros Occidental kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon  ay galing sa isang diyalogo si Alvarez tungkol sa climate change sa Talisay City at sakay ng kaniyang kulay pu­ting Montero Sport habang patungo na sana sa San Carlos City nang bumangga ang sasakyan nito sa nakaparadang truck.

Nabatid na mabilis umano ang sasakyan na kinalululanan ni Alvarez  na nasa 120 kph hanggang 130 kph at nang tangkain nitong mag-o-overtake sa motorsiklo ay nabangga ito sa nakaparadang truck.

vuukle comment

ALVAREZ

BRGY

MONTERO SPORT

MURCIA

NABATID

NEGROS OCCIDENTAL

PANDANON SILOS

SAN CARLOS CITY

SECRETARY HEHERSON

TALISAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with