^

Police Metro

3 sundalo dedo sa NPA

Francis Elevado at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong sundalo ang napatay ng mga miyembro ng New People’s Army sa magkahiwalay na pangyayari sa lalawigan ng Albay at  Agusan del Sur.

Sa bayan ng Daraga, Albay ay nasawi ang dalawang sundalo na sina PFCs   Jerome Sambrona at Dario Marawis.

Batay sa ulat, dakong alas-7:45 ng umaga ay sakay ng motorsiklo ang dalawa at pabalik na sa evacuation center matapos ang pamamalengke.

Pagdaan ng mga ito sa makahoy na lugar ay pinagbabaril ito ng limang NPA na nag-aabang sa kanilang pagdaan.

Patay na bumulagta ang dalawang sundalo habang ang mga NPA ay tumakas.

Samantala, sa Brgy. Consuelo, Bunawan, Agusan del Sur ay nasawi rin si Army Technical Sgt. Leonardo Pilare Jr., nang ito ay tamaan ng bala nang makasagupa ang nasa 15 rebeldeng NPA sa pamumuno ni Belarmino  Sanchez alyas Ka Susay Monic.

Tumagal ng 35 minuto bago nagsitakas ang mga rebelde bitbit ang mga sugatan sa kanilang panig.

vuukle comment

AGUSAN

ALBAY

ARMY TECHNICAL SGT

BATAY

BELARMINO

DARIO MARAWIS

JEROME SAMBRONA

KA SUSAY MONIC

LEONARDO PILARE JR.

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with