^

Police Metro

4 tulak timbog sa P12 M shabu

Lordeth Bonilla, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na umano’y  bigtime drug pusher  ang inaresto nang makumpiskahan ang mga ito ng apat na kilong shabu na nagkakahalaga ng P12 milyon sa isang buy bust operation kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Larex Pepino; Jayborn Ruira; Jahar Radin at Nelson Conarco,  pa­wang mga naninirahan sa Bayani Road, Barangay Western Bicutan ng lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Taguig City Police at PNP AIDSOTF sa Bayani Road ng nasabing barangay.

Nagpanggap na bibili ng 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P500,000.00 ang isang pulis na na poseur buyer at nang magkaabutan na ng items ay dito na sumulpot ang mga otoridad at inaresto ang mga suspek.

Samantala, pitong katao naman ang naaresto sa isang buy bust operation sa San Mateo, Rizal kamakalawa ng alas-6:30 ng gabi.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Lote Samson, 35; Rusty Samson, 24; Menandro Santos, 43; Dennis Estrada, 33; Monica Custodio, 31; Rommel Denobin, 31; at isang Angeline,41, na pawang residente ng Barangay Ampit 1, Barangay Ampito 2 at Barangay Sta. Ana., San Mateo, Rizal.

Narekober sa mga suspek ang may 25 plastic sachet ng shabu.

 

vuukle comment

BARANGAY AMPIT

BARANGAY AMPITO

BARANGAY STA

BARANGAY WESTERN BICUTAN

BAYANI ROAD

DENNIS ESTRADA

JAHAR RADIN

JAYBORN RUIRA

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with