^

Police Metro

Reporter sinaksak ng mga holdaper

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang mamamahayag ang nasugatan matapos na saksakin ng mga kabataang holdaper nang manlaban ito kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kasalukuyang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si  Ferdinand “Bong” Patinio, 43-anyos, kasalukuyang reporter ng Philippine News Agency (PNA) at naninirahan sa no. 619 EDSA cor. Cabrera St., sa naturang lungsod na nagtamo ng saksak sa hita at braso.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga ay nakatayo sa tapat ng kanyang tinutuluyang bahay si Patinio dahil  may hinihintay nang la­pitan siya ng nasa anim na kabataang lalaki na nasa edad 14 hanggang 16-anyos.

Tinutukan si Patinio ng patalim ng pinakali­der ngunit nagtangkang manlaban at sinaksak ito sabay hablot sa  kanyang Iphone 5S bago nagsitakas.

Inaalam ng pulisya kung may nakakabit na “closed circuit television camera” sa pag-asang makikilala at maaaresto ang mga suspek.

vuukle comment

BATAY

CABRERA ST.

DIOS HOSPITAL

FERDINAND

INAALAM

IPHONE

PASAY CITY

PATINIO

PHILIPPINE NEWS AGENCY

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with